Home

Humimlay man sa libingan ng mga bayani

Bigyan man ng parangal ng pagpupugay ng marami

Maitala man sa listahan ang kanilang pagwawagi

Ngunit kailanman ang pagtataksil ay hindi maiwawaksi

Sa mga pamilyang naiwang luhaan at may hinagpis sa puso

Sa mga kababaihang nakaranas ng kahayupan at pang-aabuso

Sa mga kalalakihang dinakip at sa kamay na malupit ay minaltrato

Sa mga batang nawalan ng magulang at inakalang abandonado

Patuloy ang laban sa mapagmalabis ang kapangyarihan

Ito ay tunggalian hindi ng bayani sa libingan

Kundi ng uring patuloy pa rin tayong pinamamahalaan

Gamit ang salapi at posisyong hindi pinaghirapan

Bayani ang nagbuwis ng buhay para sa kapwa

Bayani ang kalimutan ang sarili at isipin ang bansa

Bayani ang sinumang hindi magtataksil sa mga aba

Pwe!  Hindi bayani si Marcos!

{hjs}

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s