Home

Oh Sintang Seminaryo, isang daan at siyam na taon nang humahayo

Hindi lamang teyolohiya ang lumalago, kasabay rin nito ang  kwentong puso

Kung magbabalik-tanaw maaaring ika’y kiligin, masasayang ala-ala na kay sarap isip-isipin

Subalit kung mapait ay nais nang limutin, minsan pang lingunin ay hindi na nanaisin

Oh Sintang Seminaryo, isang daan at siyam na taon nang sa puso’y nagpapatibok

ang mag-isa sa dormitoryo, duon sa sulok ay nagmumokmok

hinarana nang kabilang ibayo, nagkatuluyan at naging magsing-irog

Pinaglapit ang pusong  magkalayo, at pinag-isa sa salakot na matayog

Oh Sintang Seminaryo, isang daan at siyam na taon nang ganda’y nakahahalina

Sa ilalim ng mga nara maraming puso’y lumigaya at ang umibig pala ay isang tunay na laya

kaya natuklasan kwentong puso ay kaniya-kanya, sa iba’t ibang bahagi nitong iyong ektarya

May hayagan at may roon din namang patago, ikaw po bumabasa alin dito ang sayo kaya?

Oh sintang seminaryo, isang daan at siyam na taon nang sumusulat

Kwentong pusong nasa uso, dito sa kanlungan ng mga liwanag at alat

May Nagmahal, nagbigayan at may singsing pa tulad sa kasalan

Nagmahal, nasaktan,nagpastor at umasa na lang daw ang kapalaran

Oh sintang seminaryo, isang daan at siyam na taon nang saksi sa marami

Sa mga kung maglambingan ay parang kendi, ngunit magkatuluyan ay ‘di maaari

Sa mga  nagtagumpay na daig pa ang nagwagi, sa mga walang pansinang at ilag upang ‘di masagi

Subalit isang aming tiyak sa Iyo sintang seminaryo, kwetong pag-ibig ay narito lagi

{kmv}

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s